April 13, 2013

Wardman Logo


Isa sa mga implosibleng pangarap co bukod sa pagpunta sa ibang planeta or sa buwan ay maging isang supehero. Isang taong may superpowers para pukasain ang kampon ng kadiliman..

Dahil sa pangarap cong to ay naisipan cong magpagawa ng sariling superhero logo na gaya ni superman, batman at spiderman. Saktong may tropa akong magaling sa ganto. Salamat drew malaki. Kung tatanungin nyo po kung sino gumwa ay hindi ako ang sagot. 

Si Rei Andrew Malaki po ang salarin. Master piece po nya yan. Gumawa sya sa kundisyong ipapatattoo co yung gagawin nya. Ipapatattoo co naman talaga pero hindi pa sa ngayon. Masyado pang maraming kumokontro sa ideayang magpapatattoo ako kaya saka na kung medyo kumonti na sila.

Naalala co pa yung simpleng instrucions lang na sinabi co sakanya.. Sabi co kasi nun yung simple lang na parang sa ibang superheros na iba din tos bahala ka na alam mo na yun. Yun lang at medyo kinulit kulit co pa sya sa sobrang eksayt co at yown.. boom! nagkaron ng astiging wardman logo.

April 11, 2013

Camiguin Island Adventure (day 1)



Oright! umaga.. malamig lamig pa at gising na ang lahat kahit late na kasi madaling araw ang usapan sa pagpunta sa Camiguin. Ganun paman nagmadali kami sa pagpeprepare para makalabas na at maabutan ang roro.
sakay ng fortuner ay tumulak na kami papunta ng isla. Medyo matagal tagal din ang byahe pero dko na maalala kung gano katagal. Kahit medyo antok pa ay mas ginusto kong manatiling dilat ang mata kahit mas gusto co sanang matulog dahil first time co nga doon at gusto kong maging pamilyar sa daan at sa mismong lugar.

Sa daan palang ay kita na agad ang laki ng pinagkaiba sa Manila. City yun pero hindi siksikan.. hindi din masyadong nagmamadali ang mga tao kumpara sa cubao, espanya, makati at ortigas. Swabe lang ang galaw ng mga tao. May nadaanan din kaming mga nagbebenta ng mga prutas gaya ng lansones langka saging at kung ano ano pa. Noon ay gusto co ng huminto at bumili ng mga ilang kilo para matikman ang mga yun pero may hinahabol kaming oras kaya nagpigil nalang ako.

Narating namin ang port of Binoni at bumili ng ticket tapos naghintay ng nga ilang minuto para sa pagalis ng roro. Isinakay din namin ang sasakyan namin syempre. Sa dagat ay eksayted kaming lahat. Pumwesto kami sa bandang likod para mas makita namin kung saan kami nanggaling. Sa halip na umupo mas pinili naming tumayo. Onga pala, kung sakaling magawi kayo doon ay wag na kayong magtaka kung may mga batang umaakyat ng barko at nagpapahagis ng barya sa dagat kasi normal lang daw yun dun. Halos isang oras din yun sa pagkakaalala co.

Bago pa namin simulan ang paglibot sa isla ay nagpabook muna kami sa hotel para may matulugan pagdating ng gabi. Sa Bahay Bakasyunan kami nagbook. Medyo mahal pero sulit na sulit kasi sa hotel palang solb na ang bakasyon. After naming magbook tumulak kami sa unang stop namin para kumain at maligo narin.

1st Stop: Hot Spring

Hindi na co masyadong naeksayt kasi nakapunta naman na co ng makailang beses sa nga hot spring sa laguna. Ngunit subalit datapwat.. ibang iba pala ang hot spring dun. malalim maluwang at yung tubig ibang iba. bukod sa sobrang linaw ay ramdam mo na sobrang nakakarelaks. nga talaga. kumain kami nagswiming nagpicture taking saka nagbihis at nagtungo sa next stop. Isang patunay na maganda doon ay maraming turista ang nakasabay namin doon.



2nd Stop: Katibawasan Falls

Kung water falls lang din naman ang paguusapan ay nakadami na ako ng napuntahan. Mula sa pinakamalapit samin na sa Dumabato sa pinkamaganda na nasa Kasibu, sa nadadaan papuntang Baguio at medyo marami pa. Ngunit subalit datapwat ulet. walang wala pala ang mga falls na napuntahan co kumpara sa falls nila dto.

Kung kanina ay masawap maligo dahil mainit init ang tubig kabaliktaran naman dto. sobrang lamig ng tubig pero ayos lang. Naligo padin ako kasama ang ibang mga kasama namin. nagpapicture sa mga magagandang spot at gusto co sanang pumunta sa ilalim ng falls pero natak0t ako bigla sa lakas ng current ng tubig. after magbihis, tumulak na kami papuntang next stop.

3rd Stop: Sunken Cemetery

Hindi na kami kumuha ng guide kasi galing na dun yung mga ibang kasama namin pero makailang beses kaming naligaw pero ayos lang kasama yun sa adventure at isa pa wala ng space sa sasakyan. saktong sakto lang kasi kami.

Ganun paman narating padin namin ang destinasyon namin bunga ng pagtatanong. Ang daan doon ay parang yung daan sa patapat kung pamilyar kayo kaya astigin din. Narating namin ang Sunken Cemetery. Walang masyadong magawa doon bukod sa pagpipicture taking kasi kung swimming lang din naman ay kanina pa co nagbababad sa tubig. Hindi kami nagtagal doon at medyo pagod narin ang lahat kaya nagpunta kami sa hotel para magpahinga kasi may second day pa ang adventure kaya kelangan magpahinga.





December 08, 2012

iba ang puso ng pilipinong musikero



Matgal atagal narin na di ako nakagawa ng post dito dahil sa sobrang dami ng ginagawa. Anjan ang mall tour, pictorials, taping at kabikabilang concerts.. hehe biro lang.. masyado lang demanding yung job co ngayon kaya wala masyado time para magsulat. 

Pero since rest day ngayon sinabayan pa ng cold summer night sa back ground nainspire ako bigla magsulat. Bagong lipat sa unit, tulog na si utol ako naman gising pa kasi sanay nga namang gising sa gabe.. mahirap na tuloy maging normal na tao. 

Tama na sa intro nakadalawang paragraph na pala co. nakagawa co ng post kasi my favor na hiningi ang isang katropa. Matulungan man lang sya na ishare sa iba yung kanyang musika. Sabe nila iba daw ang damdamin ng mga musikerong Pilipino pero sa palagay co konti lang ang iniba kung ikukumpara sa puso ng mga pilipinong nagsusulat.

Si Ben, isang kaibigan sa trabaho isang musikero na gumagawa ng kanta. Sana magustuhan nyo. Feel free na pakingan yung sounds nya eto yung link http://www.youtube.com/watch?v=HFoIymR0K5I samalat! 

September 03, 2012

me gusta tattoo!

may lakad dapat kami ni daks kahapon pero dahil tulog ako ng hanggang alas dos ng madaling araw di co na xa natext. pero okay narin kasi nakabawi na co ng tulog kahit pano. salamat sa ulan at sa e-fan courtesy of brandon at sa iggys grill narin kung san ako naglunch kasi sawap ng fried bangus nila inantok ako after kumain.

Alam co bago co tuluyang ipikit yung mga mata co naglalaro sa isip co na may solid tropa akong ahas. hindi yung traydor yung literal na ahas talaga. ewan co ba bat yun yung pumapasok sa utak co. siguro kasi may nakita ako post kanina sa fb na dalawang tao, yung isa may kasamang aso at yung isa may kasamang snake.

Maiba tayo, nung isang araw wala akong kaplano planong magpagupit pero dahil sa isang text napaisip ako bigla. ano nga kaya kung magpagupit na co. Naisip co pabotohin nalang yung mga friends co sa facebook. raise to five. so far standing 3-2 na. tatlo na yung di magpapagupit at 2 yung magpapagupit. salamat sa mga bumoto kahit alam co na trip trip lang. okay lang alam co din naman na trip trip lang din pagboto nung iba.. hehe

Bukod sa pagpapagupit may isa pa akong naiisip gawin. gusto kong magpatattoo kaya lang permanente ka kasi yung kaya kelangang pag isipan ng mabuti. Naisip co magpagawa ng logo kay drew. salamat may tropa akong taga designer. pero bukod sa gagawin nyang logo may dati na akong gustong design talga yung tattoo ni iverson sa NBA na "only the strong survive" pero since idol co din naman si tupac kaya gusto co gayahin din yung isang tattoo nya or ipatattoo co nalng yung isang quote mula sa mga nasulat nya kaya lang mahaba masyado.

may isa pa akong issue sa pagpapatattoo kasi madaming may ayaw jan e. numero uno yung ermats co malamang kung pwede nya akong katayin ng buhay kakatayin ako nung pag nakita nya. Isa pa di natin maaalis na identity na ng mga astig astigan sa mga pelikula ang may tattoo. medyo ayoko ng mga ganun. gusto co yung tamang self expression lang. naks! ano daw nasabe co? basta yun na yun.



August 26, 2012

my personal favorite bob ong quotes

“nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

“mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig eh hindi na sila makakatulog kahit gusto nila..

Ayokong masanay sa mga bagay na hindi ko naman kailangan sa buhay ko.

Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.

…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

 

Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.

 

 ... namimis co lang magpost sa blog na to. saka inaantok narin ako. next time ulet pag my sapat na oras susubukan co magkwento. madami co gusto ikwento kaya lang bihira na co humarap sa computer para magsulat kasi pagkaharap co yung monitor may kausap na akong ibang lahi na may problema sa kanyang telepono na kelangan co sulusyunan. namimis co narin magsulat... si nap pala yung kasama co jan sa picture katropa mula training gang umabot ng production floor . wala kasi co picture na matino mula nung nag agent ako ulet kaya yan nalang muna pansamantagal :|


April 11, 2012

Wala Kasing Ganito Samin



Four days na walang pasok ~ syempre nagiisip ako ng pagkakaabalahan bukod sa panunuod ng mga prusisyon at pagbabasa. Biglang nagtext si bos, dadalaw daw sa Bataan. Ayos na sana pero di biro yung byahe papunta samin kasi mahirap daw sumakay. Pumila pa daw siya at nagtransfer ng bus sa San Fernando pero nakarating naman sya.

Hindi co alam kung ano ang dahilan ng mata tao bakit madaming nagpepenitensya tuwing mahal na araw pero isa lang ang sigurado co. Hindi madali yung ginagawa nila kaya may mga mabibigat silang dahilan para gawin yun. Yung iba siguro trip lang pero Malabo yun kasi yung maglakad ka palang sa kalsada ng walang tsinelas mahirap na yung gumulong ka pa kaya at may nanghahampas pa.

Kanya kanyang style ang mga nagsasakirpisyo pero lahat sila naka yapak. May mga gumagapang sa daan, may mga nagbubuhat ng krus, may may nakatali naman sa krus at naglalakad ng paisa isang hakbang at may mga nagpapadugu din sa likod. Hindi ko alam kung ano ang iisipin co pero nung una medyo nagulat pa nga ako kasi first time co makakita ng ganun.

Dahil sa ignorante ako sa mga ganung bagay, inabangan namin yung paghuli kay Hesus na isasagawa ng mga katoliko. Akala co sipleng dula dulaan lang pero diko akalain na parang totoo pala. Kompleto mula props hanggang sa mga costumes pati nga ata attitude nung mga gumaganap bagay din. Mula sa plaza naglakad kami hanggang makarating sa San Juan at duon hinintay namin yung mga susunod na manyayare.

May mga dialogue yung mga characters pero dko marinig sa dami ng mga tao at medyo maingay kasi at wala din microphone - sabagay wala namang microphone nuong mga panahong yun. OK narin basta alam co huhuliin si Kristo. Syempre nagtapos yung palabas sa pagkakahuli kay Hesus.

Biyernes Santo – ginising ako ni ermats kasi mainit na daw. Nag ayos lang ng konti ng sarili tapos kumain na ng almusal. Simple lang ang almusal pritong tuyo, itlog at sinangag. May nakalimutan pla ako ikwento. Kagabe, uminom pla kami ni bos sa paborito kong tambayan pag gabe, Dko alam kung natuwa si bos kasi alam co first time nya dun samin tos a kanto co lng sya pinainom. Pero ok narin yun basta importante uminom at sumaya.

Balik tayo sa almusal, pagkatapos kumain nagsimula nang dumating yung mga mandurugo. Mas madami sila ngayon kesa kahapon. Syempre di na ako nagulat masyado kasi expected co na. nagpicture  ako onte kahit Malabo yung camera ng telepono co. nakapost din dito kaya pagtyagaan nyo nalang. Ipapako na daw si Kristo kaya dali dali akong naligo – nagbihis para hanapin kung nasaan na yung palabas. Masyadong maluwang ang setting ng palabas kaya dko nahanap. Nagtyaga nalang kami sa harap ng bahay ni bos pansamantala.

Tanghali na, syempre kainan na naman. Kumain lang kami saglet tos bumalik na sa plaza. Tumambay saglet habang umiinom ng soft drinks. Mula kahapon hanggang ngayon andami na naming nainom na coke. Di ata umiinom ng tubig si bos puro coke lang.. tos lakas padin magyosi. Sabagay expected co narin naman yun. Sa kasamaang palad dko nakita yung actual na pagpapako sa krus kasi sa palengke pala hindi sa plaza. Mali yung nasagap kong balita pero ok narin.

Hapon ~ xempre pahinga muna. Pagod na sa kakagala at kakaabang sa mga susunod na mangyayare. Hanggang sa makatulog ako sa sofa kahit mainit. Pagkagising nag ayos na ulet ng sarili kasi kelanagn umuwi ni boss a manila kasi maaga pa pasok niya. Iniisip isip co kung may bus ba paluwas kahit biyernes santo. Sabe sa bahay wala daw malamang sa madaling araw pa pero nagbakasakali narin kami.

Nakarating kami ulet ng plaza kakahintay. May parade na naman, ewan co kung para saaan pero sobrang haba nung parade at nakahawak silang lahat ng kandila. Nung matapos yung parade sakto may Bataan Transit na sa dulo. Wala ng isip isip nasakay na si boss.
 
Bumalik narin ako sa bahay at nagpahinga ulet.. Ganun lang kasimple yung mahal na araw co pero kakaiba kumpara sa mga nakaraan kasi lage lang ako tulog nun. Tamang shot lang tos gala pag sabado o kaya tuli sa hospital tos easter egg hunt sa lingo. Kakaiba yung ngayon kya kahit mainit ok lang. sulit narin ang bakasyon.

March 19, 2012

Danvers – A Friend You Cannot Afford to Lose


At first, he was just a typical friend that you can come across each day as you go to school and nothing is really special about him.  He was a loner in class contented in sitting in a corner browsing old messages and pictures from his phone while waiting for the professor to arrive.  After each class, he immediately goes out alone heading somewhere probably to smoke.
I still cannot believe that the man who seems to be very serious will play a great role in nurturing my hidden potentials. Actually, I cannot remember how we became friends. (Sorry boss) However, I have a theory how. We both prefer to sit at the back in class. Perhaps, I borrowed a pen or a sheet of paper to him prior to an exam because I am not used in bringing such stuffs and the rest of the story is history.

I guess lots of our classmates would agree that he is a man of few words because he seldom utters a word but when he does, it means so much. Majority if not all of my classmates respect his ideas not just because he is few years older but because it is often times the best decision to make. He was one of the few who lead the class in times of difficulties. From case presentations, submission of requirements for RLE, exams along with schools fees at times, he will certainly lend a helping hand whenever he has the means.
He is one of the few who never gets tired in encouraging me to pursue (remember this word boss) and perform better. I cannot remember the time when he let me realize my mistakes without saying that I was wrong. One time I arrived home drunk and then he ask me along with some friends to go in Malate and enjoy the night. Of course, I went with them despite being drunk because I thrust him that much. He let me drink - drink and drink until I cannot manage anymore and then I ask him to go home but he did not want to and he bought a barrel of beer instead. That time, I realized that I am wrong. That it is his way in showing wrong deeds. Isn’t it awesome?
He is a man with sturdy plans toward a brighter future. However, he is not just thinking about his future but also the future of those who are close to him. I cannot count instances when I asked for his support in all aspects and he managed to help me in a way or another. I believe lots of folks will agree to that especially those who know the man I am talking about.
Majority of our friends have a story to tell about this man and it is always about his kindness. However, he is not a boring – too serious person. He enjoy nightlife, he loves beer and partying. I cannot count how many times we went to bars along with our friends. He love the day after the final exam because it means partying all night with lots and lots of ice cold beer prepared for the whole class who can make it to the venue.
The man I am talking about is my former classmate, board mate and colleague Dante. He was a friend who taught me lots of things about life. In fact, I consider him my older brother. I think most of my classmates have a similar story about him. I salute you for being the same in spite of difficulties you have been through. I do not know how to end this write up so let me end this with a simple word that means a lot. Thanks!