FAQ


Ako si Joe-Howard Corpuz, simpleng tao na may hindi simpleng pangarap. Pangarap kong maging mayaman at pangarap co ding maging bos. hehe bukod pa dyan may mataas pa akong pangrap ang makapunta sa moon pero dibale na suntok sa buwan yung pangarap co na yun kaya focus nalang muna kung pano co magiging mayaman.


Una sa lahat ako ay isang pilipino kasi naman pilipino yung mag magulang co pati na mga lolo't lola co at nakatirta ako sa pilipinas. pangalaawa, ako ay isang nurse pero di nga lang pumapasok sa hospital at bukod dyan expired yung lisensya co at di co pa narerenew kaya diko alam kung nurse parin ako o hindi na. Ako din ay iasng kuya kasi sa buong angkan namin, ako ang pinaka kuya ng lahat sa buong henerasyon namin. Tanggap co yung at pipilitin cong maging modelo sa mga nakababata cong mga pinsan.

iba iba kung tawagin ako ng mga kaibigan co pero kalimitin "ward" lang yung tawag sakin kasi naman shortcut. hehe minsan howard pero bihira yung joe at mas bihira naman yung joe-howard kasi naman haba na nun.

Nagsimula akong magblog mula nung mapadpad ako sa bataan at mapasok sa internet marketing. Akala co nung una sobrang komplikado kasi naman hindi ako technical na tao pero dahil sa mga matyagang nagturo sakin ayun marunong na ako.

Mahilig akong magtravel kahit wala akong kasama kaya kung may mga lakad kayo inform nyo lang ako basta sagot nyo pamasahe gagawan co ng paraan para makasama. hehe. madami dami narin akong nakilalang mga tao, iba ibang ugali, iba ibang opinyon at pananaw kaya masasabe co na marunong naman akong makisama.

Bukod sa mga nabanggit co na, bayaan nyo pa akong buhatin yung sarili cong bangko kahit medyo mabigat na. taga Quirino ako kasi naman dun ako pinanganak at dun narin hinubog ng mga magulang co mostly yung erpats co at mga lolot lola co sa both sides. naks may ingles word dun ah. 

sa kasalukuyan ako ay nagtatrabaho bilang isang agent sa isang kompanya sa cubao. pumapasok ng madaling araw para sumagot ng mga tawag. above all, naks ingles ulet, ako ay isang kapwa. 

No comments:

Post a Comment